Ahmmm nakilala ko siya sa twitter , ang nice niya kasi sa mga tweet niya kaya napansin ko, and nagbaka sakali ako na kung pwede maging next model ko siya, makuhanan lang ba ng litrato :)
pero higit pa pala dun yung inaasahan ko, ang nice niya nung una naming pagkikita,
Saturday yun, i forgot the date inexpect niya ako na manuod ng 'hey its saberdey' so i come pero hindi pala kami dun magkikita hehe, natapos na yung show na hindi ko man lang siya nakausap ng personal, i texted her na siguro nga next time na lang kami magkita pero nung time na yun naalala ko na may guesting pa siya sa 'willtime bigtime' sa tv5 so i received call from her mother na sumunod daw ako dun, nung nandun na ko sinundo naman ako ng mother ni Meg papuntang dressing room niya, wala siya dun nung pumasok kami, nagre-rehears daw, pero nung time na dumating na siya hindi niya muna ko napansin dumiretso siya ng cr, tsaka niya natanong sa mama niya na 'oh ma nasan si Leonila' nung time na yun ko lang ata narinig ulit ung buo kong pangalan haha, so nakita niya na ko, shy pa ko nun ha :p, inaya niya ko kumain ng pizza, kunwari ayaw ko pa pero nagutom din ako infairness ha haha , sa travel lol, hindi nahihiya talaga ko dahil madami din tao sa dressing room, andun si Sugar, Aifa, make up artists, and nakalimutan ko yung isa hehe, basta marami, then dun na kami nag usap ng kaunti hanggang sa napagpasyahan namin na mag photoshoot muna sa labas ng dressing room hanggat hindi pa nag start yung show :)
ito yung mga shots ko sa kanya sa studio, seryoso pero ang bait in person :)
After ng guesting niya , tumungo naman kami papunta sa bahay nila kasi may bday celebration siya dun with her friends so i decided na sumama na lang since inaya niya naman ako, siyempre hindi naman ako agad agad sasama kung hindi naman ako inaaya hehe, hiya ko lang lol :)
So nung on the way na kami nagkaroon kami ng time magkwentuhan, konti lang naman kami sa sasakyan, ako, siya tsaka mama't papa niya, nagkwentuhan kami bout likes, dislikes, girl talk ba, sarap niyang kausap parang hindi ka iba sa kanya, naging komportable ako agad kasi hindi naman siya suplada :)
Medyo malayo pa yung bahay nila so need niya muna umidlip kahit papano , syempre ako nakiidlip rin haha, may konting pagod din ako that time pero ok lang for Meg naman eh :)
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila, gulat ako kami nauna wala pa mga bisita niya hehe kaya medyo hindi muna ko nahiya hehe, feel at home ang peg, ang bait kasi ng family niya promise! :)
Kunwari hindi ako gutom pero nung nakita ko yung chicken na handa, oh edi yun na, pero natigilan ako kumuha kasi nagdatingan na yung bisita, naibaba ko yung plato ko haha.
Pero ramdam ko ung care ni Meg sakin, inaaya niya na talaga ko kumain that time, siya pa yung nagbigay sakin ng food sa plate, i feel so special, super natuwa ako sa ginawa niya hindi ko lang pinahalata :) love u Meg :)
her sister and mother
and may darating pa pala siyang guest, si Aki, actually 2nd time ko nang nakita si Aki siya lang nman hindi nakaalala sakin eh haha, pero naalala niya rin nman nung pinaalala ni Meg, kulet! hehe :p
syempre hindi mawawala ang photoshoot, loveteam eh :)
Photoshoot sa labas :)
one of my favorite shot :)
ang cute :)))
Masaya nung gabing yun, puno ng tawanan at kwentuhan sabayan pa ng kantahan :) kahit lam kong parang pagod na siya go pa rin, super nice!
Kahit one day ko pa lang siya nakakasama, parang yung pagkakakilala ko sa kanya parang 1 year na hehe.
I hope na mabasa niya to, love u Meg hope to see you again soon :)
next bonding and photoshoot :) miss you lam mo yan :)
You can follow her on twitter @megimperial















No comments:
Post a Comment